PAMAHALAAN TARGET ANG HERD IMMUNITY SA NCR, MGA KARATIG-LUGAR SA NOBYEMBRE

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Plano ng pamahalaan na makapagpamahagi ng sapat na bilang ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines upang makamit ng National Capital Region (NCR) at mga kalapit na probinsya nito ang herd immunity sa Nobyembre 2021. 

Ang herd immunity ay makakamit kung malaking bahagi na ng populasyon ang posibleng hindi na madapuan ng COVID-19 bunsod ng pagbabakuna.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., layon ng gobyerno na matupad ang naturang plano kung sakaling magkaroon ng problema sa suplay ng bakuna na maaaring maging hadlang sa pagkamit ng herd immunity sa buong bansa pagsapit ng katapusan ng taon.

“Kung nakikita natin na realistically, we will have a shortfall of supply, we need to strategize that we will get the same effect. We can have the herd immunity sa NCR and the plus six provinces around NCR by November,” pahayag ni Secretary Galvez.

Hindi naman tinukoy ng opisyal kung aling mga probinsya ang makakasama ng NCR sa listahan ng target na mga lugar para makamit ang nasabing herd immunity, ngunit kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa tinatawag na NCR Plus bubble na matatandaang isinailalim muli sa enhanced community quarantine mula Marso 22 hanggang Abril 4, 2021.

Inaasahan ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino kontra COVID-19 ngayong taon, pero nagtakda rin ito ng mas makatotohanang target na nasa 50 hanggang 70 milyong katao.

“With the constrictions of the global market, lalo na ‘yong nangyayari sa India na nandoon ‘yong 30 million natin na mga vaccine na kinuha, there’s a possibility talaga na magkaroon ng delay,” ani Galvez.

Sinabi ng Kalihim na maaaring makapagpabagal sa inaasahang pagdating sa bansa ng 30 milyong doses ng Covavax vaccines ang matinding krisis na kasalukuyang dinaranas ng India bunsod ng COVID-19. Ang Covavax ay binuo ng kumpanyang Novavax mula Estados Unidos at tumutulong naman sa pagpaparami ng suplay nito ang Serum Institute of India.

Noong nakaraang Linggo sinabi ng Vaccine Czar na posibleng makamit ng bansa ang herd immunity sa katapusan ng taon dahil sa inaasahang pagdating ng mas marami pang suplay ng COVID-19 vaccines simula Hunyo ng taong ito.

Inilahad din ni Galvez na halos dalawang milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang naipamahagi dalawang buwan matapos ilunsad ang programa ng pamahalaan hinggil sa pagbabakuna laban sa virus.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.