PEACE TALKS SA CPP/NPA/NDF, ‘MALAKING KALOKOHAN’ — CPNP

Ni Trish Alcantara
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sinabi ni PNP Chief PGEN Guillermo Lorenzo T. Eleazar na sang-ayon ang kapulisan sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang patutunguhan ang peace talks sa Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front (CPP/NPA/NDF) dahil sa mga diumano’y naging huling pag-atake ng mga komunistang rebelde.

Sinabi rin ng PNP Chief na “sayang lang sa oras” ang pakikipag-usap sa komunistang grupo.

“Napakaraming beses na nagkaroon ng pag-uusap at lumalabas na ang gobyerno pa nga ang laging dehado dahil matapos mapakawalan ang mga lider ng CPP-NPA-NDF na pinaghirapang hulihin as a gesture of sincerity, wala ring nangyayari. Kaya nakikiisa kami sa pananaw ni Pangulong Duterte na isang malaking kalokohan na if we would resume the peace talks with them,” pahayag ng PNP Chief.

Inako diumano ng CPP-NPA ang pagsabog ng landmine sa Masbate City na pumatay sa magpinsang sina Kieth at Nolven Absalon. Pinaghahanap na ngayon ng pulis ang mga suspek sa nasabing insidente.

Bukod dito, mayroon din pang ibang mga naging diumano’y pag-atake ang NPA sa Quezon Province at Bicol region.

“The PNP is for the attainment of genuine peace in the country but this group will never embrace the concept of peace. So, what’s the point of talking peace with them again?” dagdag pa ng hepe ng PNP.

Sa isang interbyu sa SMNI nitong Hunyo 8, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na niya nais magkaroon ng peace talks sa mga rebelde dahil sa mga ito’y “arogante”.

Samantala, patuloy naman ang whole-of-government approach gaya ng paglalaan ng malaking pondo para sa development projects sa mga lugar na malakas ang presensya ng NPA para wakasan na ang kanilang mass base support.

“Sinasamahan natin ito ng agresibong operasyon kasama ang ating mga kapatid sa AFP,” paliwanag ng PNP Chief.

Inatasan na ni PGEN Eleazar ang lahat ng police units at offices na maging alerto at asahan ang mas pinalakas na pag-atake ng mga komunistang rebelde.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.