Huli ang National Most Wanted Person na isa palang ex-police dahil sa magkakaibang kasong kriminal nitong Pebrero 7 bandang 8:30 p.m. ng gabi sa Lapaz St. Brgy. 1 Poblacion La Carlota City, Negros Occidental.
Napag-alamang puga rin si Anecio Lapara, Jr. a.k.a. Dondon o Junior Pulis ng Bureau of Jail Management and Penology sa Ormoc City. Kasong robbery, robbery in band, at illegal possession of firearms ang kinakaharap na mga kaso ng suspek.
May patong na reward din si Lapara sa ilalim ng DND-DILG MC No. 2002-39.
Dating miyembro ng Philippine Constabulary Class ‘88 si Lapara na naging pulis noong 1991. Matapos ang kanyang serbisyo noong 1999, diumano’y naging lider na ito ng isang criminal gang sa Region 7 at 8.
“The PNP remains determined to put behind bars all police scalawags as part of our relentless internal cleansing program,” pahayag ni Chief PNP Debold Sinas.