PINAS MAGPAPATUPAD NG TRAVEL BAN SA 4 NA BANSA BUNSOD NG BANTA NG COVID-19 VARIANT

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pansamantalang ipagbabawal ng pamahalaan ang pagpasok ng mga indibidwal na magmumula sa apat na bansa sa South Asia bunsod ng banta ng COVID-19 variant na unang namataan sa India.

Base sa inilabas na memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na aprubado naman ni Pangulong Rodrigo Duterte, mapapasailalim sa naturang travel ban ang mga manggagaling sa Pakistan, Bangladesh, Nepal, at Sri Lanka. 

Magiging epektibo ang naturang kautusan simula 12:01 ng madaling araw ng Biyernes, Mayo 7 hanggang Mayo 14, 2021. Ang mga pasaherong darating ng bansa bago magsimula ang nasabing travel ban ay pahihintulutang makapasok ng bansa, ngunit kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa 14 na araw na quarantine kahit na magnegatibo ang resulta ng kanilang reverse transcription polymerase chain reaction o RT-PCR test.

Nauna nang nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa mga magmumula sa India sa loob ng dalawang linggo dahil sa hamong kinakaharap ng naturang bansa kaugnay sa lubhang paglobo ng bilang ng mga apektado ng COVID-19.

Sinabi rin ni Medialdea sa naturang memorandum na ang mga Pilipino at dayuhang dumaan lamang sa naturang mga bansang sakop ng ipatutupad na travel ban ay hindi ikokonsiderang bumiyahe sa mga iyon kung sila ay nanatili lamang sa mga paliparan ng nasabing mga bansa at hindi naman opisyal na nakapasok sa mga ito.

Samantala, sasailalim naman sa whole genome sequencing ang specimens ng mga pasaherong magmumula sa India at apat pang nabanggit na mga bansa sa oras na maging positibo sa COVID-19 ang mga ito.

“All close contacts must undergo facility-based quarantine for fourteen days, and contact tracing shall expand up to the third generation contacts,” saad pa ng kautusan.

Kamakailan lamang ay sinabi ng Department of Health na sa kasalukuyan ay hindi pa nakapagtatala ang bansa ng kaso ng COVID-19 variant na B.1.617, na unang namataan sa India. Gayunpaman, lima na mga pasaherong nagmula India ang nagpositibo sa COVID-19 bago pa man nagsimulang ipatupad ng Pilipinas ang ban para sa naturang bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.