Lumagpas na sa Php10 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at agrikultura na dulot ng Bagyong Ulysses na sumalanta sa ilang parte ng Luzon noong nakaraang Linggo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa huling ulat ng ahensiya, ang pinsala sa agrikultura ay umabot na sa Php4017,999,590 sa Region 1, 2, 3, IV-A, 5, CAR, at NCR. Ang pinsala naman sa imprastraktura ay umabot na sa tinatayang Php6,097,472,576 sa Region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5 CAR, at NCR.
Ang bilang ng mga apektadong pamilya ay nasa 835,599 na sa Region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, NCR, at CAR. Ang 221,437 na indibidwal mula sa kabuuang bilang na ito ay kasalukuyang naninirahan sa mga evacuation center habang 230,389 na indibidwal ang nasa labas ngayon ng mga evacuation hub.
Ang mga bahay na nasira ng bagyo ay nasa 65,222 na. Ang 6,050 sa mga ito ay maituturing na “totally damaged” at 59,172 ay “partially damaged” sa mga Region 1, 2, 3, CALABARZON, 5, at CAR.