PRECINCT COMMANDER, SINIBAK DAHIL SA PAGDAGSA NG MGA BAKASYONISTA SA ISANG RESORT SA CALOOCAN

Ni Trish Alcantara
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sinibak ang Caloocan City Police Community Precinct 9 Commander dahil sa insidenteng pagdagsa ng mga bakasyonista, kabilang na ang mga bata, sa Gubat sa Ciudad resort sa Brgy. 171 Bagumbong Caloocan sa gitna ng umiiral na MECQ sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Tinanggal sa pwesto si PMAJ Harold Aaron Melgar dahil diumano sa kabiguan nitong ipatupad ang minimum public health safety protocol sa kanyang nasasakupan.

Sinabi ni PNP Chief PGEN Guillermo Lorenzo Eleazar na sasailalim pa sa imbestigasyon si PMAJ Melgar para malaman kung may dapat ba siyang panagutan sa nangyaring insidente.

Iimbestigahan din pati barangay chairman ng nasabing area.

Sa kabilang banda, pinapurihan naman ng PNP Chief ang naging desisyon ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na iprayoridad ang isolation at testing ng mga nagpunta sa naturang resort matapos itong ipasara.

Pero wala ring kawala ang mga taong nagpunta sa resort dahil diumano sa pagiging “iresponsable” at paglabag sa ordinansa ng lokal na pamahalaan.

“Daan-daan kayong nag-good time sa gitna ng pandemya sa isang lugar na under MECQ at isinama ninyo pa ang mga anak ninyo. Kung hahayaan lang natin na sorry-sorry lang ito, it will send a wrong message na mag-violate na lang tayo nang mag-violate dahil anyway, patatawarin din naman tayo at walang pananagutan sa ginawa ninyo,” pahayag ng PNP Chief.

Pati isang cameraman na kumuha ng video sa mga pinaaalis sa resort ay binugbog ng ilang nagpunta roon, ibinalita rin ni PNP Chief Eleazar.

Umapela sa publiko ang PNP Chief na huwag maliitin ang pagkahawang dala ng COVID-19 at matinding sakripisyo ng health workers.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.