PRRD APRUBADO NA ANG PANUKALANG BATAS NA NAGPAPALIBAN SA PAGTAAS NG SSS CONTRIBUTION SA GITNA NG PANDEMYA

Ni Raiza F. Cabugwang
Pangulong Rodrigo Duterte, Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) Number 11548, ang panukalang batas na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na ipagpaliban muna ang pagtataas ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) habang humaharap pa ang bansa sa matinding dagok bunsod ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Binabago ng RA No. 11548 ang Section 4(a)(9) ng RA 11199 o ng Social Security Act of 2018, na siyang nagpapahintulot sa Social Security Commission ng SSS na pamahalaan ang pagpapatupad ng pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro ng SSS. 

Nakasaad sa Section 4(a)(9) ng Social Security Act of 2018 na kinakailangang itaas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS ng isang porsyento kada taon simula 2019 hanggang taong 2025.

Sa ilalim ng bagong batas, na nilagdaan noong Miyerkules, Mayo 26, pinapayagan ang Pangulo na palawigin ang pagpapaliban sa pagtaas ng SSS contribution ng dagdag pang anim na buwan, o kabuuang isang taon mula sa rekomendasyon ng Social Security Commission.

Ayon pa sa naturang batas, ang iba pang nakaiskedyul na contribution rates at buwanang sahod ng mga manggagawa ay maaaring magpatuloy hangga’t walang pagbabagong gagawin ang Social Security Commission sa mga alituntunin o administrative procedures na magpapaliban sa pagbabayad ng naturang mga benepisyo.

The rate of penalty on unpaid loan amortizations shall be determined and fixed by the Commission from time to time through rules and regulations on the basis of applicable actuarial studies, rate of benefits, inflation, and other relevant socioeconomic data,” saad ng nasabing batas.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.