PRRD IGINAWAD ANG ORDER OF LAPU-LAPU SA MGA BAYANI NG SUNOG NA NAGANAP SA PGH

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pcoo.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules, Hunyo 2, 2021, ang Order of Lapu-Lapu sa mga kawani ng Philippine General Hospital (PGH) na ilan sa unang nakapagsalba at nakapaglikas ng mga pasyente at mga bagong panganak na sanggol mula sa sunog na naganap kamakailan lamang sa nasabing pasilidad.

Ang mga sumusunod na empleyado ng PGH ay binigyan ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu sa Malacañang:

  • Surgeon na si Dr. Rodney Dofitas 
  • Residents na sina Dr. Alexandra P. Lee at Dr. Earle Ceo Abrenica
  • Nurses na sina Esmeralda Ninto, Jomar Mallari, Kathrina Bianca Macababbad, Phoebe Rose Malabanan, at Quintin Bagay, Jr.
  • Safety officers na sina Joel Santiago at Ramil Ranoa

Ang Order of Lapu-lapu ay iginagawad sa mga empleyado ng gobyerno o ng mga pribadong sektor na naghahatid ng pambihirang serbisyo o nakapagbibigay ng katangi-tanging kontribusyon para sa ikatatagumpay ng kampanya o adbokasiya ng Pangulo.

Dumalo rin sa nasabing pagbibigay-parangal sa mga bayani ng PGH sina PGH  Director Dr. Gerardo D. Legaspi at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go. 

Bukod sa nasabing parangal ay nauna nang inihain ni Senador Bong Go ang Senate Resolution Number 733 noong Mayo 24, 2021, upang bigyang-pugay ang kabayanihan at katapangan ng mga naturang empleyado ng PGH.

Ang sunog sa nasabing pampublikong ospital, na isa ring pasilidad para sa mga pasyente ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19, ay tumagal ng limang oras noong madaling araw ng Mayo 16, 2021.

Ayon sa mga kawani ng ospital, bandang hatinggabi nang nagsimula ang sunog sa supply area ng operating room ng ospital.

Bunsod ng nasabing pangyayari, napilitang ilikas ang dose-dosenang pasyente ng PGH sa mga kalapit na ospital. 

Ayon kay PGH Director Legaspi, nag-iwan din ang naturang insidente ng umabot sa P50 milyong danyos.

Wala namang nasaktan mula sa naturang insidente.

Ang PGH sa Maynila ay mayroong 1,300 na kama at umaabot sa 600,000 ang pasyente nito kada taon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.