PRRD INATASAN ANG DOH NA PAG-ARALAN ANG PROTOCOLS NG CEBU PARA SA OFWs

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na pag-aralan ang quarantine protocols na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Cebu sa mga balikbayan at pauwing overseas Filipino workers (OFWs).

Sa ulat ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nakipagpulong ang Pangulo kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia nitong nagdaang Lunes upang pag-usapan ang paglihis ng Cebu-bound international flights papunta sa Maynila mula Mayo 29 hanggang June 5.

Kabilang din sa naganap na pagpupulong sina Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino, DOH-Central Visayas Spokesperson at Chief Pathologist Mary Jean Loreche, at Task Force Against COVID-19 Chief Implementer for the Visayas Mel Feliciano.

Ayon kay Sec. Roque, nais umano ng Pangulo na magbigay ang DOH ng panukala sa desisyon ni Garcia na hindi na isailalim sa quarantine ang mga OFW na nagnegatibo sa kanilang swab test.

Kakulangan umano sa quarantine facilities ang dahilan kung bakit hindi na kailangang isailalim sa quarantine ang mga ito.

“Governor Gwen explained their unique protocol… They conduct tests on the first day and allow (travelers) to undergo strict home quarantine, which is monitored by barangay health workers,” paliwanag ni Sec. Roque.

Naiintindihan naman umano ng Pangulo ang hangarin ng quarantine protocols na ipinatutupad sa Cebu ay upang agad na makasama ng mga OFW ang kanilang mga mahal sa buhay, subalit iginiit ni Sec. Roque na kailangan pa rin umanong sumunod sa protocols mula sa Inter-Agency Task Force.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.