PRRD IPINAG-UTOS NA IRESERBA ANG PFIZER VACCINE SA MGA MAHIHIRAP

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ireserba ang bakunang gawa ng Pfizer sa mga mahihirap upang mas maproteksyunan ang mga ito laban sa virus.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mainam umanong ipamahagi ang Pfizer vaccine sa mga mahihirap na komunidad sa halip na sa mga shopping mall.

“Ipinag-utos ng Pangulo na ibigay ang Pfizer sa mahihirap o sa indigent population dahil ‘yan ang patakaran ng COVAX. Dagdag ni Presidente na ilagay ang Pfizer hindi sa mga malls kung hindi sa vaccination sites ng mga barangays kung saan mababa ang take-up ng vaccines,” paliwanag ni Sec. Roque.

Dagdag pa niya, “Ito ay ayon na rin sa unang direktiba ng Pangulo na mababakunahan ang Pilipino nang libre. Walang maiiwan.”

Inatasan ng Pangulo si Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. kasunod ng nangyaring paglabag sa distancing protocols na naganap sa ilang lokal na pamahalaan bunsod ng pamamahagi nito ng Pfizer vaccine.

Dahil umano mas pabor ang publiko sa bakunang gawa ng Pfizer, nakiusap si Pangulong Duterte na huwag maging mapili sa bakunang ibibigay at tinitiyak din niya na lahat ng bakunang ginagamit ay ligtas at epektibo.

“Hindi pupuwedeng pumili ng brand ng bakuna. Ang pinakaligtas na bakuna ay ang bakunang nasa inyong braso, anumang brand po iyan. Dahil lahat naman po iyan ay dumaan sa masusing pag-aaral at lahat po iyan ay napatunayang ligtas at epektibo,” paliwanag ni Sec. Roque.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.