PSA: ‘MAG-INGAT SA PAGLAGANAP NG PEKENG NAT’L ID REGISTRATION SITES’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of facebook.com/PSAPhilSysOfficial
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inabisuhan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko nitong Huwebes, Mayo 27, 2021, na mag-ingat sa pagpaparehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys) dahil sa pagsulputan ng pekeng websites at pages na nagpapanggap na mga kinatawan ng PhilSys.

Ang sumusunod ay listahan ng pekeng sites at service providers na nakalap ng PSA:

  • National ID Online Registration – Government Organization
  • National ID Online Registration Assistance – Public Group
  • philsysid.com
  • Lang Lang Nocses
  • Naic Cavite Buy and Sell
  • Paniqui-Tarlac-Moncada-Anao-Gerona-Ramos Buy En Sell
  • Tarlac Bentahan Online
  • Subcon and Supplies for Garments & Small Businesses
  • PhilSys National ID – blog

Ayon sa PhilSys, gumugulong na ang imbestigasyon upang matigil ang scam at pagbibigay ng mga maling impormasyon tungkol sa PhilSys registration na isinasagawa ng naturang websites at service providers.

Pinaalalahanan din ng PSA ang publiko na tanging ang PhilSys website lamang na philsys.gov.ph at Facebook page na PSAPhilSysOfficial ang nagbibigay ng lehitimong mga impormasyon tungkol sa mga prosesong may kinalaman sa PhilSys registration at pagbibigay ng PhilSys identification card o ID.

Nagbigay rin ang tanggapan ng babala sa publiko na huwag ipagkatiwala ang kanilang mga personal na impormasyon sa alinmang third party, bagkus ay ipagbigay-alam lamang ang naturang mga impormasyon sa opisyal na online registration website ng PhilSys.

“Fake sites and third-party providers, such as Buy and Sell pages, do not operate with this security. Thus, these are prone to data leaks and misuse. Registration to PhilSys is free of charge. Therefore, registrants must not spare any expense under any circumstances during the duration of the three-step registration process,” paliwanag ng PSA. 

Dagdag pa ng PSA, ang paghingi ng registration fee mula sa mga magpapatala sa PhilSys ay paglabag sa Republic Act 11055 o ang PhilSys Act.

“All information collected through the official PhilSys website is protected by law under the Data Privacy Act of 2021,” pagtitiyak ng tanggapan. 

Maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa hotline number ng PhilSys Registry Office na 1388 o mag-email sa info@philsys.gov.ph.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.