Arestado ang isang dating parak sa Pampanga nitong Enero 8 matapos magtago ng mahigit 10 taon dahil sa diumano’y panggagahasa sa 18 taong gulang nitong household helper.
Huli si Leonaldo Soberano, 58, ng mga operatiba ng PNP AKG Visayas Field Office sa bago nitong pinagtataguan sa No. 863 cor. Diamond and Petal Sts. Brgy. San Agustin, San Fernando City sa bisa ng warrants of arrest dahil sa kasong rape at attempted homicide.
“There is no escaping the law because we are relentless in pursuing criminals and fugitives from justice,” pahayag ni PNP Chief PGEN Debold M. Sinas.
Nakumpiska kay Soberano ang cal.45 Norinco pistol at airsoft electric gun.
Nagtago na pala ang AWOL na si Soberano noong 2010 matapos maisyuhan ng warrant of arrest sa kasong rape.
Ibabalik si Soberano sa Iloilo para sa disposisyon ng kanyang mga kaso.