RT-PCR TEST ‘DI NA KAILANGAN para sa mga turista ng Bora simula Nobyembre 16

Ni R.F.C.
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“I’m happy to report na by November 16, next week, tatanggalin na namin ‘yong requirement ng RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) test sa mga lahat na pumupunta sa Boracay.”

Ito ang ibinalita ni Aklan Governor Florencio Miraflores nitong Biyernes, Nobyembre 12, tungkol sa hindi na paghingi ng kaniyang lugar na nasasakupan ng negative RT-PCR test result mula sa mga piling turistang bibisita sa isla ng Boracay simula sa nasabing petsa.

Gayunpaman, pagdating sa isla ay kinakailangan pa ring magpakita ng patunay na fully vaccinated na ang turista.

“Ang kailangan na lang, kung kumuha sila ng QR (Quick Response) code nila, ang kailangan na lang, instead ng RT-PCR test na nire-require namin, magsa-submit na lang sila ng vaccination certificate or VaxCertPH under the (Department of Information and Communications Technology o DICT) website, o kung mahirapan sila kumuha niyan, ‘yong kanilang vaccination card na may QR code galing sa issuing (local government unit). In the absence ng dalawang iyan, pwede rin silang kumuha ng vaccination certificate sa issuing LGU (local government unit) para makita namin kung saan talaga sila nagpabakuna,” paliwanag ng gobernador ng Aklan.

Iginiit din ng opisyal na iyong mga hindi pa bakunado o iyong nakapagpabakuna pa lamang ng una sa dalawang dose ng kanilang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine brand ay kinakailangan pa ring magpresenta ng kanilang negatibong RT-PCR test result kapag bibisita sa isla.

Sinabi rin ni Governor Miraflores na mayroon silang mga sistemang nakatalaga para masigurong mahuhuli ang mga magpapakita ng pekeng vaccination certificates.

“Meron naman tayong validating team diyan, kagaya ng pag-validate natin ng RT-PCR test. Kaya nga ‘yong nire-require natin na vaccination certificate ay ‘yong galing sa DICT, ‘yong VaxCert natin, kasi madali natin ‘yon i-verify,” paliwanag ni Miraflores.

Hindi rin aniya magiging problema kung wala pang maipakitang VaxCert na galing mismo sa DICT dahil tatanggapin pa rin naman iyong vaccination cards na inisyu ng LGU.

Ayon pa sa gobernador, nasa 94 porsyento ng tourism workers sa Boracay ang fully vaccinated na kontra COVID-19. 

“Sa atin namang general population, 94 percent ang nakakuha ng first dose, at ang naka-second dose is 70 percent. So, nakuha na namin ang herd immunity ng general population ng isla ng Boracay. So, tuloy-tuloy pa rin ang aming vaccination program dito, para makuha talaga namin ‘yong 100 percent vaccination rate ng aming isla ng Boracay,” saad ni Miraflores.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.