Pinaiimbestigahan na ni PNP Chief Police General Debold Sinas sa CIDG bilang lead investigating body ang nangyaring putukan diumano sa pagitan ng PNP at PDEA bandang hapon ng Pebrero 24 sa labas ng Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Avenue, QC.
Bubuo rin ng joint PNP-PDEA Board of Inquiry para malaman ang pinag-ugatan ng putukan at responsable sa naturang insidente.
Inatasan din ni PNP Chief ang RD ng NCRPO para maging tagapagsalita sa pangyayari.
Siniguro naman ng parehong PNP at PDEA ang tuluy-tuloy na relasyon at koordinasyon sa pagitan ng dalawang ahensya.