SYMBOLIC VACCINATION ROLLOUT PARA SA A4 PRIORITY GROUP, GAGANAPIN NGAYONG HUNYO 7

Ni Monica N. Ladisla
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ibinahagi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na magkakaroon ng symbolic vaccine rollout para sa A4 priority group na gaganapin ngayong Hunyo 7.

“Meron kaming tatawagin na rollout or symbolic rollout this coming June 7. It will be attended by high officials, the secretaries,” pahayag ni Sec. Galvez.

Magkakaroon din umano ng pagdiriwang sa ibang lokal na pamahalaan upang gunitain ang pagpapabakuna ng kanilang mga lokal na opisyal at economic frontliners.

“Ito talaga yung inaantay ng LGUs considering that we have to protect our economic and government workers. Nakikita na ito ay humigit kumulang 12 million population and they are rearing and very eager to be vaccinated,” pahayag ni Sec. Galvez.

Sa kabila ng gaganapin na symbolic vaccine rollout, nilinaw ni Sec. Galvez na sisimulan ang pagbabakuna ng A4 priority group pagdating ng inaasahang bakuna mula sa COVAX facility.

“Ang pinaka-rollout talaga sa economic frontliners at government workers ay ‘pag dumating na ang main bulk from COVAX, ‘yung Pfizer at ‘yung almost two million na Sinovac. So more or less meron tayong 5 million this June 15. Nakikita natin na medyo okay na ang ating supply this mid of June,” paglilinaw ni Sec. Galvez.

Sa panahong magsimula na ang rollout, ibabase umano sa edad ang prayoridad ng pagbabakuna.

“Nu’ng nagkaroon kami ng [Inter-Agency Task Force] meeting, napagkasunduan na dalawa (ang classification sa A4) 40 and up tapos 39 and below,” ani Sec. Galvez.

Maaari rin umanong gamitin ng mga lokal na pamahalaan ang prioritization policy na ito ng gobyerno sa pagbabakuna ng kanilang nasasakupan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.