Dalawang lalaki ang huli matapos ideklarang dead on arrival ang isa pa na diumano ay hindi nila tinigilan ng bugbog matapos mauwi sa mainit na usapan ang diskusyon ng magkakapitbahay kahapon, Oktubre 5, ng 8:30 p.m. sa Purok 5 Ruhale St. KNAI Brgy. Calzada-Tipas, Taguig.
Patay si Ghiefren Lawag, 33, may kinakasama, walang trabaho, at residente ng Blk. 1 Lt. 11 Ruhale St. Samama 3 nang hindi ito tigilan na pagsusuntukin sa ulo ng mga kinilalang suspek na sina Mark Anthony Lawag, 29, may asawa, installer ng internet, nakatira sa Blk. 5 Lt. 2 KNAI Ruhale St. at Michael John Lawag, 19, walang asawa, ng Blk. 5 Lt. 2 KNAI Ruhale St.
Wala nang buhay nang dumating sa Taguig Pateros District Hospital ang biktima bandang 9:22 p.m.
Haharap sa kasong murder ang dalawang suspek.