VIETNAM MAAARING KANSELAHIN ANG SEA GAMES NGAYONG TAON BUNSOD NG PANDEMYA

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakatakdang magdesisyon sa susunod na linggo ang bansang Vietnam kung matutuloy ngayong taon ang 31st Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa nasabing bansa mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

Ayon kay Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino, “The final decision will be known next week. But, it’s still the government of Vietnam that has the final decision.”

Walo sa 11 bansa na miyembro ng SEA Games Federation kabilang na ang bansang Pilipinas, ang bumoto laban sa pagsuspinde ng taunang palaro dahil sa nararanasang global health crisis.

Kabilang ang bansang Singapore, Brunei, Cambodia, Indonesia, Malaysia, Thailand, at Timor Leste sa mga gustong matuloy ang SEA Games sa Nobyembre. Mas pabor naman ang Vietnam at Myanmar na ipagpaliban muna ito samantalang nag-abstain naman sa botohan ang bansang Laos.

Idinahilan umano ng bansang Vietnam ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa kung kaya’t nais nitong ipagpaliban muna ang palaro.

“The hosts are also reluctant to postpone the Games because all their structures and venues are already complete. But, the pandemic has raised the alarm,” paliwanag ni Tolentino.

Kamakailan, nagpatupad ang Vietnam ng “no vaccination, no participation” policy para sa mga kalahok sa SEA Games. Dahil dito, isinama sa vaccination priority list ng pamahalaan ang mga atletang ipapadala sa SEA Games at Tokyo Olympics.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.