Patay ang wanted gang member ng Jar-R Palada Criminal Group sa isang shootout sa mga pulis nitong Enero 30 bandang 7:45 a.m. sa Brgy. West Boyugan Kumalarang, Zamboanga del Sur.
Tigok sa nasabing operasyon si Jammodin A. Cahal, 39, na kabilang diumano sa isang gang na pinamumunuan ng isang Esmael Sanday alyas “Boy Negro” na sangkot sa illegal drug trade, extortion, at gun-for-hire.
Si Cahal ay may warrant of arrest dahil sa magkakaibang kaso ng frustrated murder at murder.
Nakuha sa suspek ang isang cal.30 M-1 rifle na may spare ammunition.